ANGEL THE MAMBOKAT
HOME BIOGRAPHY VIDEOS DISCOGRAPHY CONTACT
ENGLISH CHINESE RUSSIAN THAILAND MALAYSIAN
DUTCH HINDI FILIPINO JAPANESE SPANISH

 

ANGEL & THE MAMBOKATS

 

 

Angel-Downtown

 

Talambuhay ng Mambokat

Unang napakinggan ang musika ng Angel & The Mambokats sa isang palabas ng Fox TV na “So You Think You Can Dance” at sumunod na inilunsad sa “Dancing With The Stars” sa Amerika at China. Ang pangunahing manunugtog at mang-aawit ng bandang ito ay si Angel Ferriera na nagkamit ng matagumpay na pagkakataong makasama ang tanyag na si Madonna sa kanyang mga konsyierto sa iba’t ibang panig ng mundo. Inalok siya ni Prince ng isang kontrata ngunit sa mga panahong iyon, tinanggap na niya ang naunang alok ng Virgin Records para sa isang self-titled album. Pinalad din niyang makatrabaho ang mga batikang aktor tulad nina George Clooney, Quintin Tarantino, Charlize Theron, Mira Servino, Don Cornelius, Herbie Hancock, Mickey Rourke, at Angelina Jolie. Sa gitna ng tagumpay na ito, lumipad si Angel sa Paris upang asikahusin ang isang larawan ng batog na pintor na si PICASSO. Habang nasa tirahan ng mga Picasso, nilibang niya ang anak at apo ng prestihiyosong pintor sa pamamagitan ng pagtugtog ng musika ng Mambokat mula sa kanyang laptop. Sa kasulukuyan, layunin ni Angel na ipakilala ang musika at istilo ng Mabokat sa buong mundo. Maaakit kayo sa angking kahusayan ng Mamo-Boogaloo Soul na musika ng Angel & The Mambokats. Bisitahin ninyo ang kanilang Facebook account.

 

Kasaysayan ng Mambokat

Talambuhay ni Angel Ferreira (Wet Jam 1988): Ipinanganak si Angel Ferreira sa isang pamilyang mahilig sa musika. Nakagisnan niya ang mga tugtugin ni Michael Jackson at mga sayaw na mambo at cha cha mula kay Tito Puente and Celia Cruz. Natutunan din niya ang pagtugtog ng instrumento tulad ng conga drum. Natuklasan niya ang kanyang hilig sa pagsayaw habang pinakikinggan ang “You Got Me Working Day and Night” ni Michael Jackson. Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng scholarship sa larangan ng ballet mula sa Los Angeles, Cleveland, at Jeoffrey Ballet School. Nakapagsayaw siya ng cabaret sa The Cat Club sa New York City. Nang bumalik siya Los Angeles, nagaudisyon siya para sa “Who’s That Girl” world tour ng napakatanyag na si Madonna. Napili siya bilang isa sa mga mananayaw at mapalad na nilibot ang iba’t ibang bansa. Pagkatapos ng tagumpay na ito, sinubukan naman ni Angel ang kayang talento sa pag-awit. Di nag-tagal, nagkaroon siya ng unang single na “Wet Jam” sa Existia Records sa ilalim ni Al McKay ng Earth, Wind and Fire. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging director sa sarili niyang single na ito. Itinanghal ang “Wet Jam” sa MTV International channel at naimbitahan din bilang panauhin sa palabas na ito sa pamumuno ni Daisy Fuentes. Di nagtagal, nagkaroon sila kolaborasyon ni Paula Abdul sa isang music video na Pretty Poison. Naimbitahan din siya ng isang Virgin Records liaison na maging isang Virgin recording artist.

• Angel Ferreira – Diskograpiya (Virgin Records 1991): Napansin ng Coca Cola company ang angking talino ni Angel sa Wet Jam kaya hindi nagtagal, inalok siya nito na maging bahagi ng isang malawakang commercial campaign. Habang isinasagawa ito, naisipan ni Angel na maghain ng isang “demo deal” sa Virgin records. Nagkaroon ng sunud-sunod na pag-uusap sa pagitan ng mga namumuno ng Virgin Records at ni Angel. Naging matagumpay ang mga pag-uusap na ito sapagkat pagkalipas ng isang taon, binigyan siya ng kontrata ng Virgin Records para sa kanyang self-titled album na ipinangalang “Your Love Just Ain’t Right.” Kasabay ng tagumpay na ito ang ikalawang taon ni Angel sa pagganap sa Coca Cola commercial campaign.

 

• Angel Ferreira – Ang matagumpay na pagbabalik (1994/2012): Binuo niya ang The Black Mambo Combo – isang banda kung saan namayani ang tugtuging Afro Cuban Neo-Soul na kanyang nilikha. Kumuha siya ng inspirasyon mula sa napakatanyag na Wolfgang Puck para dito. Ang kanyang orihinal na kantang “Black Mambo,” isang “fast mambo,” ay pinatugtog sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Hindi nagtagal, binago niya ang pangalang ng kanyang banda at tinawag na ANGEL & THE MAMBOKATS. Nagtanghal siya ng kanyang musika para sa kanyang mga kaibigan sa Hollywood noong 1990’s. Nagkaroon din siya ng dalawang album na may titulong Horizontal Mambo and Mambo Horizontal (En Espanol). Sunod-sunod ang naging tagumpay ni Angel dahil pinatugtog ang kanyang Black Mambo sa isang napakatanyag na palabas ng Fox Television na “So You Think You Can Dance”. Mahusay na ginanap ng mga mananayaw na sina Benji and Heidi ang totoong kahuluguan ng Black Mambo – ang paghanap ng “infinite love”. Sinayaw din ng Beijing Olympic Beach Volleyball gold medalist na si Misty May Traynor ang Black Mambo sa popular na “Dancing With The Stars”. Naimbitahan naman siya ng bansang China kung saan itanghal ang Black Mambo sa isang palabas na kanilang bersyon ng “Dancing With The Stars”. Nakapagturo din ng siya sa mga local na mananayaw para sa “season opener” ng palabas na ito. Sa pamamagitan ng OTV, napanood ang matagumpay na palabas na ito ng halos 50 milyon na katao sa People’s Republic of China. Pagkatapos ng kanyang tagumpay sa China at sumunod na pagpapahimlay ng halos limang taon, nagbabalik muli si Angel kakambal ang isang mithiing malapit sa kanyang puso – ang paglikha ng awiting Mambokat!

 

ANGEL THE MAMBOKAT
© 2015 ANGEL THE MAMBOKAT